Tuesday, November 15, 2016

Mga Kwentong Kapos: Unang Kabanata - Sa Pamamaalam Isinilang ang Bagong Simula

At umalis na sya.
Pakiramdam ko ako si Obi-Wan Kenobi habang kausap nya si Anakin Skywalker sa Star Wars.





Hindi ko alam.
Pero, hindi ko naman talaga siya tunay na kilala.
Ngunit mabigat sa damdamin ang pamamaalam niya.

Mabigat at may kaunting takot akong nadarama.

Natatakot ako dahil baka hindi pa siya handa.
Natatakot ako dahil baka mas lalo siyang higupin ng kalungkutang gumagapos sa kanya.
Natatakot ako dahil baka mali ako.
Pero mas natatakot ako na baka tama pala lahat ng pagkakakilala ko sa kanya.

Isa lamang siyang guni-guini.
Isa lamang siyang karakter na likha ng utak niyang gustong kumawala sa nakaraan.

Pero higit sa lahat, natatakot ako dahil umalis syang kapos parin ang kanyang kwento.
Wala paring tuldok.
Wala paring pagbangon.
Wala parin ang mga halakhak na lulunod sana sa mga luhang datirati'y dumadaloy sa ngayo'y pagal niyang mga mata.

Hindi parin bumubukas ang mga ulap na tumatabing sa buwan na dapat sanay nagbibigay liwanag sa mahamog niyang gabi.

Natatakot ako na ang damdamin niya ay nakontento na sa kakaramput na liwanag na ibinahagi ng isang kakapiranggot na alitap-tap.

Pero higit sa lahat, mas natatakot akong hindi isilang ang isang katha mula sa isang karanasang ani mo'y isunulat nang may tampo ang tadhana...

At heto na nga... dito ko na sisimulang isulat ang kwento niya. Ang mga kwentong kapos...



The Padwan










Wednesday, November 9, 2016

Back?

You changed your skin.
You changed your face.
You changed your inner soul.
...but still pieces of you are scattered  on the floor.
...and when you faced that blank wall.
...and when you look into the crowd.
you still see yourself.
your young self.
writing.
prosing.
your heart trembling.
lonely.
weak.
longing.
for words to spring back into life.
but not from you--- no more.
then is it time to be back?
or is it time to move on?