Monday, May 18, 2009

Unpaved Paradise



"Lovers, Roads, Change " by Willow P.


This Photo shows a couple walking through a half paved road. This shows us stepping from a comfortable concrete road to a unpaved road that leads to a place of lush greens. This photo was taken from a Bulacan Farm.

Archie in the Heart

We went to the Davids' Cook and Archuleta concert last Saturday night and my girlfriend can't stop admiring Archuleta. It was a great concert with over 40,000 people in attendance and the energy was high.

Tuesday, May 12, 2009

Death by Broken Heart



Death by Broken Heart (Ink and Pencil on Paper with Microsoft Paint Manipulation)

Saturday, May 9, 2009

Homeless Not Worthless


This is my contribution to PAWS' campaign.

Thursday, May 7, 2009

Sinangag sa Agahan


Noong bata pa ako ay madalas at madali akong mahalina sa mga paanyaya sa telebisyon. Mga paanyaya na madalas na nagpapakita ng kaisipang ang mga bagay na banyaga lalo na kung mula sa bayan ni "Uncle Tom" ay masdakila at masmainam.  Lumaki kasi ako noong panahon na ayon sa mga mananaliksik ay kung tatanungin mo ang mga kabataan ay maspipiliin nilang maging Amerikano sa halip na maging Pilipino.

Naaalala ko nung minsan ay nakapanood ako ng patalastas ng isang pankik  (pan cake). Aba! nagulat ako. Ang mga Kano pala ay iba ang kinakain sa agahan---pankik. Siguro ay napakasarap ng pankik sa agahan. Nakita ko na binubuhusan ito ng pulot at mistulang ginto sa kinang! Takam na takam ako sa paanyayang iyon. Pankik! gusto ko ng pankik.

Kinabukasan ay inihain na ni Ina ang aming agahan: tuyong daing, sinangag na maraming bawang at tsokolate na ginawa pa ni Ina gamit ang pamanang batirol. Pananabik ang aking nadama. Hindi sa pagkaing nakahain kundi sa pinapangarap kong pankik. Nawala ang dati kong gana sa pagkain ng dati kong agahan. Pankik, pankik, pankik lamang ang nasa isip ko. Nung tinikman ko ang pagkain, masarap naman, ngunit hindi ito ang gusto ko. Hirap na hirap akong kumain hanggang sa napansin ako ni Ina.

Medyo naaasar siguro siya sa akin dahil sa ikinikilos ko kaya pasigaw niya akong tinanong. AYAW MO BANG KUMAIN!?!?!?! Wika ni Ina. Umiyak ako dahil na din siguro sa takot, umiyak akong sinabi ang aking pananabik: Gusto ko po ng pankik sa agahan.

Kinabukasan, nanlaki ang aking mga mata! Pag gising ko ay nakahain na ang aming agahan. Ang pinapangarap ko. Ang kinasasabikan ko. Ang aking pankik. Sa tuwing isinusubo ko ang pankik ay ligaya, galak at sarap ang aking nadarama. Pagkasama ko ang pankik ay hindi ko na naiisip ang daing, sinangag o tsokolate man lang. Kaya ko ipagpalit lahat para sa pankik.

Kaya ngayon, ilang taon nadin ang nakalipas, hindi na ko kumakain ng pankik sa agahan. Hindi naman talaga masarap ang pankik. Sa una lang. Kasi bago, kakaiba. Pero sa totoo lang mas masarap talaga iyung nakasanayan namin. Minsan kasi naiisip natin na gusto natin ang isang bagay dahil sa ito iyong wala sa atin. Ang nakakalimutan natin ay masmainam pala kung ano ang meron na tayo.

Minsan nabubulag tayo sa mga paanyaya. Kaya nating ipagpalit lahat para sa isang bagay na hindi naman pala tulad ng inaakala natin. Pero lilipas din yun. At pag naisip natin na mali tayo. Hindi pala natin talagang gusto ang isang bagay  ay kadalasan na nakasakit na tayo ng ibang tao.

Buti nalang mabait si Ina, at matapos ang isang linggo kong kahibangan sa walang kwentang pankik ay malugod niya parin akong ipinagluto ng aking paboritong tuyong daing, sinangag na maraming bawang at tsokolate.

( This post is in response to Reyn's post "Liham" http://reynthology.blogspot.com/2009/05/liham.html)